Sa araw na ito, ika-1 ng Agosto. Pormal na binuksan ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017 sa Mataas na Paaralan ng Montessori De Sagrada Familia. Ang gurong tagapayo ng BukMaFil (Bukluran ng mga Mag-aaral sa Filipino) na si G. John Erick F. Cauzon ang nanguna sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga magaganap na patimpalak sa iba’t ibang larangan. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makiisa at makilahok. Muling sariwain, gunitain at pagyamanin ang wikang naging daan para makamit ang ating kasarinlan, ang wikang Filipino.