Color Fun Run, idinaos ng buong departamento ng high school sa Montessori De Sagrada Familia (MDSF) bilang pakikiisa sa ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag ng institusyon, kinaumagahan, Disyembre 13, 2023.
Sa pangunguna ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG), nagsimula ang selebrasyon sa pamamagitan ng +zumba bilang panimula sa nasabing pagdiriwang at agad na sinundan ng karera kung saan tumakbo ang mga studyante mula sa parking lot ng paaralan papuntang Camella, Baliuag, at pabalik sa kanilang + pinagmulan.
Sumabay naman ang pagbagsak ng ulan sa nasabing selebrasyon ngunit hindi ito naging hadlang at tila mas ginanahan pa ang mga Sagradan na makitakbo habang sila ay sinasabuyan ng mga makukulay na pulbos.
Nagkaroon din ng fire truck na kung saan lahat ay sinasabuyan ng tubig habang ang mga studyante ay masayang nagsisitalon sa kabila ng pagkabasa mula sa ulan.
Matapos ay naganap na ang awarding kung saan inanunso ang mga nauna sa fun run, kabilang na rito ang nauna na si Dashtin Legara mula sa 12-Einstein, na siyang nagwagi ng medalya at cash prize.
“I was fulfilled. Unang-una, the whole time na tumatakbo ako, ayaw na ng katawan ko. Mahirap. I was pushing myself. Pero kahit na ganoon, ‘pag may mga hardships tapos nalagpasan mo kahit na gusto na sumuko ng katawan mo, kapag nagpursigi ka, napakalaking accomplishment ‘yon. Kaya ang laking sense of fulfillment ‘yung naramdaman ko after nung fun run,” saad ni Legara sa kaniyang pagkapanalo.
Hindi mapagkakaila na isa na namang masaya at matagumpay na pagdiriwang ang naganap sa MDSF na siya ring naging dahilan upang muling maipakita ang makulay na pagsasamahan ng bawat Sagradan.