SINISIGURO ni Gng. Maria Cristina Santos- Silamor, punong-guro ng Montessori De Sagrada Familia (MDSF), na lahat ng mga impormasyon ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan ay ligtas dahil sa mahigpit na implementasyon ng Data Privacy Law o R.A. 10173.
Nagkaroon ng konsultasyon ang nasabing paaralan kay Atty. Enrique Dela Cruz, isang eksperto sa nasabing batas, upang mas malinawan ang pamunuan ng paaralan hinggil sa tamang implementasyon ng Data Privacy Law.
“As part of the compliance, we even had an intimate session with Atty. Enrique Dela Cruz and we are now on the process of completing our manual for this,” paliwanag ni Silamor.
Bahagi ng implementasyon ng Data Parivacy Law sa MDSF ang mahigpit na proteksiyon sa records ng mga mag-aaral at kawani na kung saan ay kailangang dumaan muna ito ng ilang proseso bago makakuha.
Karagdagan pa, sinisigurado ng pamunuan na tanging ang may-ari ng impormasyon lamang ang maaaring makakita ng mga sensitibong detalye tungkol sa kanila at ibibigay lamang ito sa iba kung may pahintulot nila.
Bukod sa paghihigpit sa pagbibigay ng mga personal at sensitibong impormasyon, naging mahigpit na rin ang bastabastang paghingi at panonood ng mga CCTV footage.
Isinakatuparan din sa MDSF ang pagkakaroon ng parent portal na kung saan ang mga magulang lamang ang magkakaroon ng access sa impormasyon tungkol sa kanilang mga anak. Kaugnay nito, hindi na basta-basta pinapayagan na makuha ang report card ng sinoman at nangangailangan pa ng authorization letter mula sa totoong magulang.
“We are doing these things as our strict implementation of the Data Privacy Law. Once we are done in the manual, it will be smoother,” pagtatapos ni Silamor.
Ni: Argy E. Gatdula
#SagradanServantLeadership #SagradanExcellence