Bagamat Linggo, mas pinili ng Sagradan Penpushers na hindi umatras sa hamon matapos ang ginanap na Byline Seminar on Journalism and Press Conference 2019 sa National Vocational High School Main Campus, Guiguinto, Bulacan, Hulyo 28.
Nag-uwi sa medium na Filipino ng dalawang gintong medalya sina Emelinda Cruz sa Pagguhit ng Kartung Editoryal at Kathleen Rose Pulongbarit, Pagsulat ng Lathalain; dalawang tanso, Argy Gatdula, Pagsulat ng Balita at Leira Anne Buenaventura, Pagsulat ng Kolum; ikalimang puwesto, Patricia Manalo, Pagkuha ng Larawan; ikaanim, Ivy Rose Ayson, Pagkuha ng Larawan, at Lenalah Yeth Ibarra, Pagsulat ng Agham; at ikapito, James Tagalag, Pagsulat ng Balita.
Kaugnay nito, ibinulsa naman sa medium na Ingles ang isang gintong medalya ni Robertson Gatmaitan sa Editorial Writing; isang tanso, Anne Clarise Flores, Feature Writing; dalawang ikaapat na pwesto, Clara Patricia Caubang, Sports Writing at Jian Martin Tenorio, News Writing; ikaanim, Ram Tenorio, Science Writing; at ikapito,Charles Mijares, Editorial Writing.
May temang “Journalism as instrument of upholding nationalism” ang naturang Byline na ika-15 taon nang ginugunita at kabilang sa isa sa mga proyekto ng Guiguinto Scholars Association (GSA).
Naglalayon ang nasabing programa na magtaguyod ng kaalaman sa pamamagitan ng pahayagan para sa mga kabataan sa pamumuno ng tagapangulo na si Maria Bernadette Lopez.
Samantala, panauhing pandangal si G. Rupert Lacsamana III sa nabanggit na pangyayari, nangibabaw sa kanyang talumpati ang pagbanggit sa bahagi ng tula ni Andres Bonifacio na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Nilahukan ng 17 paaralan mula sa mga karatig-bayan sa Bulacan kabilang na ang lungsod ng Malolos ang naturang patimpalak.
Isinulat ni: Alson James M. Tagalag
#SoarhighSagradans #SagradanPenpushers #Byline2019