Naiuwi ng isang mag-aaral mula sa ika-11 baitang ang medalyang pilak nang masungkit niya ang ikalawang pwesto sa naganap na Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) District III Meet nitong ika-17 ng Setyembre.
Nakamit ni Mari Haidun Salvador ang nasabing parangal sa Talumpating Handa na ginanap sa Living Angels Christian Academy (LACA) hindi lamang para sasarili kundi para maipagmalaki ang paaralang kanyang dala-dala.
Ayon sa kanya, tanging tiwala sa sarili, lakas ng loob, suporta ng pamilya maging ang pananalig sa Diyos ang baon niya mula umpisa hanggang sa matapos ang laban.
Lubos naman niyang pinasasalamatan si G. Juan Antonio Victoria, kanyang tagapayo na naghasa sa kanyang talento at nagpalabas ng natatago niyang galing.
Tumatak ang simpleng katagang “Kaya mo ‘yan!” sa kanyang isipan dahil para sa kanya, maniwa lang ay kakayanin mong malagpasan ang anumang hamon basta Diyos ay iyong kasama.
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #SilverMedalistTalumpatingHanda #SoarHighSagradans
#SagradansUniteSagradansFight
Ni Tricia Khate S. Salas