Nagwagi ang isang mag-aaral mula sa ika-12 baitang sa Bulacan Private Schools Association (BulPriSA) District III Meet na ginanap sa isang paaralan sa Baliwag, Bulacan nitong ika-19 ng Setyembre.
Pag-eensayo sa paaralan at sa bahay ang naging sangkap ni Malique Iljanah Barazar para makamit niya ang ika-siyam na pwesto sa Spoken Word Poetry sa Living Angels Christian Academy (LACA) kasama ang mga turo ni Binibining Roan Estay, kanyang tagapayo.
Ayon kay Barazar, “Paalalang kanyang tagapaggabay, maging matalino, maging direkta sa katotohanan, at huwag magpaligoy-ligoy pa ngunit noong mismong laban, ang sabi lang ng tagapayo ay kalimutan niya ang lahat basta “speak from your heart.”
“Gabay? Earthly coach, tapos si God lang. Si God lahat ang nagsalita at nagturo kasi ginagawa ko ito to glorify Him,” ayon kay Barazar.
Malungkot ang kalahok sapagkat ito ang una at huling laban niya sa BulPriSA dahil nalalapit na ang kanyang pag-alis mula sa sekondaryang paaralan.
Masaya pa rin naman siya dahil para sa ibang tao, siya ang kampeon sa puso nila.
#BULPRISA2018 #CulturalEvents #SpokenWordPoetry #SoarHighSagradans
#SagradansUniteSagradansFight
Ni Chrasciana P. Centeno