Upang sariwain ang mga larong Pilipino na ating nakagisnan, sa pangunguna ng Bukluran ng mga Mag-aaral sa Filipino (BUKMAFIL) ay nagsagawa ng iba’t- ibang aktibidad para sa mga Sagradans noong ika-4 ng Agosto dakong alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Naganap sa MDSF Gym ang unang bahagi ng gawain. Dito isinagawa ang pagsulat ng sanaysay, hampas palayok, luksong tinik, kadang-kadang, at tumbang preso na pawang sinalihan ng mga mag-aaral mula sa ika-7,8 at ng mga senior highschool.
Kaugnay nito, ang huling bahagi ng palatuntunan ay idinaos sa football field kasabay ng pagpapalipad ng mga saranggola ng mga senior high school at ng mga piling estudyante na nanggaling sa iba’t ibang baitang.
“Sobrang saya ko at bumalik ang alaala ng aking pagkabata dahil sa mga larong sinalihan ko,” ito ang maligayang tugon ni Joren Lacap, estudyante mula sa ika-9 na baitang, pangkat Charity.
Nina: James Tagalag at Argy Gatdula