Upang masaksihan ang husay ng bawat mag-aaral sa pagsulat ng tula, ang BukMaFil o Bukluran ng mga Mag-aaral sa Filipino ay nagsagawa ng patimpalak ngayong ika-7 ng Agosto sa silid-aklatan ng Hayskul.
Binigyan ang bawat kalahok ng iisang paksang “Filipino wikang mapagbago” na isusulat lamang sa isang oras.
“Magandang pagkakataon ang mga patimpalak tulad nito upang mas lalong pagyabungin ang kultura ng ating bansa. Higit na hinahasa nito ang natutulog na pagka Pilipino ng bawat Sagradan” sabi ni Marah Salvador, isang kalahok sa nasabing patimpalak.
Ni: JR Mariano