Sinimulan ng Filipino Club ang isang buwang selebrasyon ng paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng bugtung-bugtungan na nilahukan ng lahat ng mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Montessori De Sagrada Familia (MDSF) noong ika-7 ng Agosto.
Taun-taon, ang naturang aktibidad ang nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng buwan ng wika sa mababang paaralang ng MDSF. Layon nito na maimulat ang mga bagong henerasyon ng Sagradans sa kahalagahan ng uri ng libangan na talaga namang pinoy na pinoy at mapalawak ang kanilang pag-iisip at imahinasyon.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan ng bugtong ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata noon.
Sa pamamagitan ng pagbili ng pagkain sa kantina ay magkakaroon ng stub ang mga bata na susulatan nila ng sagot sa bugtong na binabanggit tuwing flag raising ceremony. Kinabukasan, bubunutin ang pangalan ng mga batang nanalo na mabibigyan ng libreng pananghalian.
Sa pangunguna ng mga gurong tagapayo na sina Bb. Jennylou Fuentebella para sa Level 1 at G. Julius Fabian para sa Level 2, kasama ang buong pamuan ng Filipino Club ay kanilang inilatag sa buong sangay ng elementarya ang lahat programang inihanda nila para sa taong ito.
Natapos ang bugtung-bugtungan noong ika-14 ng Agosto na nagkapagtala ng pitong batang nanalo. Inaasahan ang isang programa sa ika-31 ng Agosto na magsasara sa pagdiriwang ngayong taon.
Samantala, ang Buwan ng Wika sa taong ito ay may temang, Filipino: Wikang Mabagbago.
Ni: Jomar A. Dela Cruz